PSCO nag-donate ng ambulansiya sa OWWA

NAG-DONATE ng isang bagong ambulansiya at isang wheelchair ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon kay PCSO Chairwoman Margarita P. Juico, magagamit ng OWWA ang ambulansiya at wheelchair para sa mga OFW na may kapansanan o may karamdaman at hirap maglakad.

Nagpasalamat naman si OWWA Administrator Carmelita S. Dimzon na siyang pormal na tumanggap ng symbolic key para sa donasyon sa isang simpleng turnover rites na sinaksihan ng mga opisyal ng dalawang ahensya.

Inihayag ni Dimzon na tatlo na ngayon ang ambulansiya ng OWWA at tatlong wheelchair na laging nakaantabay upang pagsilbihan ang mga OFW.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply