Psycho test mahalaga sa pagpili ng chief justice

BINIGYANG-DIIN ni Judicial and Bar Council member Atty. Milagros Cayosa na mahalaga sa pagpili ng bagong punong mahistrado ng Korte Suprema ang psychological at psychiatric examination.

Ayon kay Cayosa, importante na walang nakitang anomang problema sa pag-iisip sa mga nominado matapos silang sumailalim sa psychological at psychiatric examination.

Nilinaw rin ni Cayosa na hindi importante para sa kanila ang score na nakukuha ng mga nominado at sinabi na hindi sila nagbibigay ng anomang ranking sa mga nominado.

Sinabi pa ni Cayosa na ang pagkakasama ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa JBC shortlist ay nangangahulugan na walang anomang problemang nakita rito ang mga psychologist o psychiatrist.

Dagdag pa nito na kung sila sa JBC ang tatanungin ay dapat na tapos na ang isyu dahil wala naman talagang problema.

Matatandaan na una nang napaulat sa isang pahayagan na si Sereno ay bumagsak sa psychological test kasama si SolGen Francis Jardeleza.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply