Public, private entities tumulong sa clean up drive sa Manila Bay

NAGTULUNG-TULONG sa paglilinis ng basura ang may 14 public at private entities kabilang ang lokal na pamahalaang lungsod kasabay ng pagdaraos ng ‘Makabagong Bayanihan Para sa Kalikasan’ ngayong araw sa Manila Bay.

Tumulong din sa paglilinis ng mga basurang inanod ng alon patungong Manila Bay sa Roxas Boulevard ang Manila Ocean Park (MOP) , ang Metro Manila Development Authority, UP Manila, Polytechnic University of the Philippines, the National Statistics Office at ng Landbank of the Philippines, Villar Foundation,  Department of Environment and Natural Resources, Interior and Local Government at mga lokal na pamahalaan, at non governmental organizations.

Kaugnay nito, nakiusap naman si Manila Mayor Alfredo Lim sa mga residente na nakatira sa coastal areas na tigilan na ang pagtatapon ng basura dahil sa masamang maaring idulot nito sa kalikasan.

Natuwa naman ang alkalde sa ipinakitang pagtutulongan ng ilang grupo na malinis ang Manila Bay at naipamalas sa publiko ang kahalagahan ng kanilang ginagawa para sa kalikasan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply