Public storm signal No.1 itinaas ng Pagasa dahil sa bagyong Helen

ITINAAS na ang storm public warning signal No. 1 sa Calayan at Babuyan Group of Islands at Cagayan, kasama na ang Isabela, Kalinga, Apayao at Batanes sa paglapit ng bagyong “Helen” sa Luzon.

Maliban dito, eepekto rin ng monsoon surge sa northern at eastern seaboards ng Luzon at eastern seaboard ng Visayas.

Huling natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 630 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro bawat oras at umuusad ng pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 9 kilometro bawat oras.

Kaugnay nito, nagbabala na agad ang Phillippine Atmospheric Geophysical Astronomical Servies Authtority (PAGASA) na maaring maulit ang malawakang pagbaha sa Metro Manila at karatig lalawigan bunsod ng bagyong Helen dahil may kasamang epekto ng Habagat.

Ayon kay Samuel Duran ng Pagasa forecasting center, simula mamayang hapon ay posibleng mararamdaman na ang mga pag-ulan sa Luzon dulot ng hanging habagat na pag-iibayuhin pa naturang bagyo.

Dahil pag-iibayuhin nito ang hanging habagat, maaring maapektuhan nito ang buong Northern Luzon kaya’t inaasahan ang madalas na mga pag-ulan na maaring humantong muli sa mga pagbaha at pagguho ng lupa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply