Public viewing kay Robredo sa Malakanyang, patuloy na dinadagsa

PATULOY na dinadagsa ng publiko ang  labi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo sa Palasyo.

Ang mga Pilipino na taos pusong nakikiramay ay hindi inalintana ang pag-aantay para lamang makasama sa mga unang makakapasok sa Kalayaan Hall na nakalagak ang labi ng kalihim.

Magtatagal ang public viewing hanggang ala-5:00 ngayong hapon na susundan ng misa mamayang ala-6:00 ng gabi.

Magkakaroon din ng memorial services mula ala-7:00 hanggang alas-10:00 ng gabi.

Bukas ng umaga ay babalik sa Naga ang labi ng kalihim at mananatili ito sa Naga City Hall hanggang sa Lunes ng umaga at saka ililipat sa Basilica Minor De Nuestra Señora De Peñafrancia.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply