Publiko kinalma sa ni-recall na gamot sa ubo

KINALMA ng Department of Health (DOH) ang publiko kaugnay sa ipina-recall na gamot sa ubo lalo na ang Loviscol.

Matatandaang natuklasan ng Food and Drug Administration (FDA) na mali ang deklarasyon ng pormulasyon na nakasaad sa karton at bottle labels nito.

Sa advisory ng FDA, inatasan na ng ahensya ang Pfizer Consumer Healthcare na i-recall sa merkado ang ilang batch ng Carbocisteine (Loviscol) 50mg/ml syrup (oral drops).

Ayon kay DOH OIC Usec. Teodoro Herbosa, hindi naman ito masyadong delikado at hindi rin naman nakamamatay pero higit na mabuti na ring na-recall para na rin sa kaligtasan ng mga iinom nito.

Kasabay nito ipinatigil din ng FDA sa mga botika at iba pang establisimyento ang pagbenta nito at ibalik ang nasabing produkto sa Pfizer para sa kaukulang disposisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply