Publiko pinag-iingat sa spaghetti, fried chicken

Pinag-iingat ng isang senador ang publiko sa pagkain ng spaghetti at fried chicken dahil ito ang mga nangungunang pinagmumulan ng food poisoning sa lahat ng pagkain.

Ibinabala ito ni Senador Manny Villar matapos lumabas sa pagdinig ng Senate committee on trade and commerce na kanyang pinamumunuan na ang paboritong pagkain ng mga Pinoy tulad ng spaghetti at fried chicken ang madalas kapitan ng food borne disease.

“Fried chicken and spaghetti, that’s quite a revelation. These are the two main sources of food poisoning. I think our consumers have to be aware of that, to tell to be careful sa pagprepara,” babala ni Villar sa publiko

Sa pagtalakay ng komite ni Villar sa apat na panukalang batas tungkol sa food safety,  ibinunyag ni Dr. Ma. Patricia Azanza ng Department of Food Science and Nutrition College of Home Economics ng University of the Philippines, na sa pag-aaral nila noong 1995, ang spaghetti at friend chicken ang nangungunang kaso ng food poisoning sa bansa.

“Sa Pilipinas, ang number one cause ng food borne disease as of 1995 na kinolect ko, is spaghetti,” wika ni Azanza. “Second is I think from the record is fried chicken”.

Tinukoy ni Azanza ang problema sa paggamit ng mumurahing giniling na baboy o baka bilang sangkap sa paggawa ng sarsa ng spaghetti.

“Kasi yung normal handling natin in the home and in the food service, we used the cheapest type of meat, for the meat and then we stock it and hold on for long hours,” paliwanag ng eksperto mula sa UP.

Kinumpirma naman ni Josephine Gonzales, regulatory affairs manager ng Nestle Philippines, na madalas talagang kapitan ng bakterya ang fried chicken lalo na kung hindi maayos ang preparasyon nito.

Aniya, sa pagkuha pa lamang ng mga manok mula sa poultry ay posibleng may salmonella na ang mga ito kung kaya ipine-freeze sila upang mamatay ang bacteria. Subalit may posibilidad na mabuhay muli ang salmonella kapag natagalan ang pagluluto nito.

“Most of the incidence na nareport yung mga malaking salo-salo. In terms of storage tatagal pa siya, may tsansa uli na mabuhay yung bacteria at kapag na-ingest ganun po mangyayari, usually diarrhea ang mangyayari,” ani Gonzales.

Nangangamba tuloy si Villar kung ang mga kilalang fast food chain sa bansa na nagbebenta ng spaghetti at fried chicken ang may mga kaso din ng food poisoning, pero tiniyak naman ni Gonzales na may mahigpit na regulasyon sa food preparation ang mga kilalang fast food chain sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply