Pugot na ulo, nakuha sa Parola

LUWA na ang mata at naaagnas na ang pugot na ulo nang matagpuan itong nakahalo sa mga basura sa ilalim ng mga kabahayan sa squatters area sa Parola, Binondo, Maynila kaninang umaga.

Ayon kay PO3 Henry Navarro, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, nakabalot ng packing tape ang natagpuang ulo ng lalaki.

Manipis ang buhok at lumuwa na ang mata at naagnas na dahil sa pagkababad sa tubig na hinihinalang ilang araw nang itinapon sa ilog at inanod ng tubig ng Manila Bay patungo sa lugar.

Isang 11 taong gulang na si Jessie Mark Gullas umano ang nakakita sa pugot na ulo habang nangangalakal ito ng mapapakinabangan mula sa mga tambak na basura dakong alas 10:00 kaninang umaga.

Nagulat na lamang umano ang bata nang mapansing pugot na ulo ng tao ang kanyang nakita kaya agad nitong ipinagbigay alam sa opisyal ng barangay ng Brgy.275 Zone 28 Gate 62, sa Parola.

Ayon sa imbestigasyon ni Navarro, sinabi umano ng isang residente sa lugar na posibleng inanod ang pugot na ulo dahil hightide sa lugar kagabi.

Nang humupa ang tubig ay nakasama na ito sa mga basura na makikita sa ilalim ng mga kabahayan (shanties) sa lugar.

Dinala sa Cruz Funeral parlor ang pugot na ulo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply