Pugot na ulo lumutang sa pampang ng Manila Bay

NAKABALOT ng packaging tape at luwa ang mga mata nang makita ang isang pugot na ulo ng batang basurero sa pampang ng Manila Bay sa ilalim ng isang bahay sa Gate 62, Parola Compound, Barangay 275, Binondo Manila kaninang umaga.

Kinilala ang batang nakasaksi na si Jessie Mark Gullas, 11, ng nasabing lugar.

Nabatid na alas-10:00 ng umaga nang matagpuan ng bata ang pugot na ulo habang nangangalakal sa tambak na basura malapit sa pampang ng Manila Bay.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Henry Navarro ng Homicide Section, Manila Police District (MPD), napag-alaman na isang lalaki ang biktima na mula 35-40 ang edad.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply