Pulis-Maynila inambus sa Taguig, patay

PATAY ang isang pulis Maynila nang tambangan ng armadong “riding in tandem” habang sakay ng motorsiklo ang nauna kasama ang kanyang kalive-in sa Taguig city.

Bnawian ng buhay habang ginagamot sa Taguig-Pateros District Hospital si PO2 Morris Alindog, tubong Rizal at nakatalaga sa Station 6 ng Manila Police District sa Sta Ana, Manila sanhi ng tama ng bala sa katawan ng kalibre .9mm.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Russel Gaspar ng Investigation Section ng Taguig police, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima, kasama ang kanyang kalive-in at tinatahak ang Bayani Road sa Western Bicutan patungo sa C-5 area pasado ala-1 ng hapon nang dikitan ng dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Pagsapit sa tapat ng isang convenience store sa naturang lugar, pinaputukan ng mga suspect ang biktima na naging dahilan ng pagbagsak ng magka-kalive-in sa kanilang sinasakyang motorsiklong may plakang 8097-UP.

Mabilis na tumalilis ang mga suspek makaraan ang pamamaril habang isinugod naman ng mga nagmalasakit na kalalakihan ang biktima sa pagamutan.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naturang pananambang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply