Pulis-Maynila todas sa riding-in-tandem

TODAS ang isang Pulis-Maynila na nasasangkot sa panlolooob sa isang bahay sa Sta. Ana makaraang makipagbarilan sa riding-in-tandem sa Bicutan, Taguig.

Nasawi habang ginagamot sa Metropolitan Hospital si PO3 Morris Malindog makaraang tambangan ng riding-in-tandem kasama ang kanyang live-in partner na nagtamo ng mga sugat sa Bayani Road, Western Bicutan, Taguig.

Ayon sa panayam sa radyo kay P/Supt. Rolly Balasabas ng MPD Station 4, kinuha pa umano ng mga suspek ang bag ni Malindog na narekober rin ng pulisya mula sa mga ito.

Agad naming rumesponde ang awtoridad at narekober ang bag na ibinigay sa pamilya ng biktima na may laman umanong pera.

“Naiturn-over po namin yung bag (sa pamilya) kinabukasan ng umaga po, kaso nung ipasa po namin yung mga ebidensya kasama yung suspek, hinahanap po ng piskalya ung ebidensyang pera,” ayon pa kay Balasabas.

Matatandaang nasangkot si Malindog kasama pa sina PO1 Robert Cruz at Reggie Osalya, barangay tanod at isa pang suspek sa naganap na nakawan sa bahay ng Carlo Bagui sa Sta. Ana.

Kasalukuyang nasa restrictive custody ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Cruz habang hinihintay ang summary dismissal nito sa pwesto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply