Pulis namaril, 1 patay, ex-military sugatan

DEAD on the spot ang isang katulong matapos barilin ng isang pulis sa loob ng bahay habang sugatan naman ang isang dating miyembro ng Philippine Constabulary matapos paluin ng baril sa Pasay City.

Ang biktima na tinamaang ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Virgilio Hilario y’Garcia 35, binata dating nanirahan sa naturang lugar.

Samantala, agad na tumakas ang suspek na kinilalang si PO1 Rupert Baluyot tangay ang 45 kalibre ng baril na ginamit sa biktima.

Batay sa imbestigasyon ni SPO3 Ronaldo Frades may hawak ng kaso ng Homecide Section ng Pasay City, ala:1:30 kaninang madaling araw ng maganap ang insidente sa loob ng bahay sa 1852 Interior Cuyegkeng Brgy.-2 Zone-4 ng naturang lungsod.

Nabatid na ang suspek kasama ang dalawa at ang biktima na si Pedro Deleve 45 na umuupa sa bahay ay nag-iinuman sa naturang bahay nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga nag-iinuman. Kaagad binunot ng suspek ang baril sa bewang at walang habas na nagpaputok ng baril kung saan tinamaan ang biktima sa maselang parte ng katawan.

Agad na inawat ng biktimang si Deleva ang suspek sa walang habas nitong pagpapaputok ng baril subali’t pinalo ito ng baril sa ulo na isinugod sa Ospital ng Maynila ng isa sa kamag-anakan.

Narekober sa lugar ng krimen ang 10 basyo ng bala ng kalibre 45 at dalawang bala na hindi pumutok gayun ang apat na bala na pawang sa kalibre 45 at ilang foil at tooter ng shabu sa loob ng bahay na pinangyarihan ng krimen.

Pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na pulis upang panagutin sa ginawa nitong krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply