Pulis sabit sa carnapping

KULONG ang isang bagitong pulis at kasama matapos tangayin ang nakaparadang motorsiklo sa loob ng parking space ng isang mall sa Caloocan City.

Nakilala ang mga suspek na sina PO1 John Rey Bautista, 30, nakatalaga sa Northern Police District at si Venedict Lopez, 27, ng Sangandaan ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-7 ng gabi, ipinarada ni Carlos Buccat, 30, ang kanyang Yamaha Mio sa parking lot ng Victory Mall sa Rizal Avenue ext., ng lungsod at pumasok sa nabanggit na mall upang may kausapin kaibigan.

Makalipas ang ilang sandali ay binalikan ng biktima ang motorsiklo subalit laking gulat nang makitang dala na ng mga suspek na naging dahilan upang magsisigaw ang una.

Napansin naman ng mga pulis ang sigaw ng biktima na naging dahilan upang habulin ang mga suspek hanggang madakip kung saan nakuha kay Lopez ang pin-lock na ginagamit sa pagbukas ng ignition key.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply