Pulisya nagsanib pwersa sa manhunt vs pawnshop robbers

NAGSANIB-PWERSA na ang National Capital Regional Police Office, Southern Police District ,Pasay Police at Paranaque Police upang mahuli ang mga responsable sa pawnshop robbery sa Metropoint  Mall sa Pasay City.

Ayon kay NCRPO Director Alan Purisima, may mga impormasyon na sila kung sino at anung grupo ang nasa likod ng nasabing pagnanakaw kung saan naapektuhan ang operasyon ng MRT at LRT ng magkaroon ng stampede sa mga pasahero at isara pansamantala ang mga ito sa mga tao.

Ang modus operandi ng mga masasamang loob, ayon kay Purisima ay katulad ng sa ‘Martilyo Gang’ bagamat posible ring ibang grupo ang sangkot dito .

Sa isang pahayag ni Pasay Police Chief Melchor Reyes, sinabi nito na mga tubong bakal ang ginamit ng mga suspek at hindi martilyo bagamat iisa ang style ng ‘martilyo gang’.

Sinusuri na rin ng SPD ang mga imahen ng CCTV cameras na nakakuha sa aktuwal na operasyon ng mga suspek na posibleng mapagkilanlan sa mga ito.

Umapela din ang mga pulis para sa anumang impormasyon sa publiko na makakikilala sa mga suspek na ikinalat na ang mga cartographic sketch sa publiko.

Ngayong may sketches na ang mga suspek ay pangalan na lamang ng mga ito ang pinagtutuunan ng pansin ng mga pulis upang madali na silang hanapin dagdag pa ni SPD Chief Suprintendent Bento Estipona, na nagsabing may magandang lead na ang Pasay Police subalit di pa maibubunyag sa media

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply