Puno natumba: 1 patay, 5 sugatan sa Iloilo

NASAWI ang isang ginang habang lima ang sugatan makaraang  madaganan ng natumbang puno ng century old na sampalok habang nasa loob ng owner type jeep sa gilid ng gym ng distrito ng Arevalo sa lungsod ng Iloilo kagabi.

Nakilala ang nasawi na si  Madelyn Caminade, 48,  ng Quezon St., Arevalo, Iloilo City.

Nabatid na  natumba ang naturang puno  bunsod nang malakas na ihip ng hangin kagabi na nagresulta rin sa malawakang power interruption sa lungsod ng Iloilo.

Kasalukuyang nasa isang lumang owner type jeep ang mga biktima na kanilang ginawang  hapag kainan nang matumba ang malaking puno ng sampalok.

Tumagal nang halos apat na oras bago natapos ang pag-chainsaw ng mga rumespondeng awtoridad  at doon lamang nakuha ang katawan ng biktima na dinala pa sa  Western Visayas Medical Center subalit idineklarang dead on arrival.

5 bahay wasak sa Antipolo

WASAK ang limang bahay makaraang mabagsakan ng puno ng mangga at dalawang niyog  Sitio Angela, Barangay Dela Paz, Antipolo City kaninang madaling araw, Agosto 1.

Nabatid na dahil sa lakas ng hangin at pag-ulan ay natumba ang mga naturang puno.

Ayon kay Antipolo Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Chief Joey Marco, agad  na nakalikas ang mga apektadong pamilya na pansamantalang tumutuloy sa kanilang mga kapitbahay.

Nagpapatuloy naman  ang clearing operations ng mga tauhan ng pamahalaang lungsod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply