Punong Barangay, 4 anyos na bata, patay sa riding in tandem

PATAY ang Punong Barangay ng Malaya, Labo, Camarines Norte at isang apat na taong gulang na bata matapos pagbabarilin ng riding in tandem.

Dead on arrival si Brgy. Capt. Merlyn Bermas, 48, sa Camarines Norte Provincial Hospital at namatay si Gerald Oreza, apat na taong gulang, matapos ilipat sa Bicol Medical Center sa Naga.

Nagtamo  si Bermas ng tama ng baril sa likod at sa ulo naman tinamaan ang batang Oreza. Sugatan naman ang magsasakang si Cenon Maulion sa daplis ng bala sa kanyang likod.

Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaslang.

Ayon sa Karapatan-Camarines Norte, naganap ang pamamaslang bandang 3:30 ng hapon sa Brgy. Anameam, Labo noong Martes, Agosto 7, habang nananalasa ang habagat sa Kamaynilaan at karatig lalawigan.

Galing sa pamamalengke si Merlyn nang makasabay sa pag-uwi sina Gerald at kanyang ina pati ang magsasakang si  Maulion. Magkakasamang sumakay ang apat sa ‘hawler’ –motorsiklong nilagyan ng sidecar na walang bubong. Magkatabi sina Cenon at Gerald sa sidecar habang nasa likod ng driver ang ina ng bata at ang kapitana sa dulong bahagi.

Sa kasunod na hawler naman nakasakay ang asawa ni Cenon kasama ang tatlong iba pa na kapwa mga residente ng Brgy. Malaya.

Habang binabagtas ang lugar, isang motorsiklo ang pumagitna sa dalawang hawler at pumwesto sa likod ng kapitana at .

Ayon sa asawa ni Maulion, bumunot ng baril ang nakaangkas na lalaking naka-itim na bonet, at pinagbabaril ang biktima.

Ayon sa anak ni Bermas, noong nakaraang taon ay nakatanggap din ang kanyang inang mensahe sa text na nagbabanta ng pasasabugin ang ulo nito kasama ng iba pa. Pinagbibintangan umano ang kanyang ina na miyembrong New People’s Army.

Si Bermas ang nagsiwalat na mga sundalo ng 49th Infantry Battalion ang may kinalaman sa pagmasaker sa pamilya Mancera noong Pebrero 25, 2012 sa kanilang lugar. Napatay sa masaker ang mag-aamang Benjamin at mga anak na sina Michael (10 years old) at Richard (7 years old) habang malubhang nasugatan naman ang 14 taong gulang na anak na babae.

Batay sa datos ng Karapatan, ang Bikol ang may pinakamaraming bilang ng mga biktima ng pamamaslang, 31 lahat, mula sa 99 na kabuoang bilang ng mga biktima ng pampulitikang pamamaslang sa loob ng dalawang taong panunungkulan ni Presidente Noynoy Aquino. Hindi pa dito kasama sina Merlyn at Gerald.

Ang kapitana ang nagsiwalat na mga sundalong 49th Infantry Battalion ang may kinalaman sa pagmasaker sa pamilya Mancera noong Pebrero 25, 2012 sa kanilang lugar. Napatay sa masaker ang mag-aamang Benjamin at mga anak na sina Michael (10yo) at Richard (7yo) habang malubhang nasugatan naman ang 14 taong gulang na anak na babae.

Ayon sa anak ni Bermas, noong nakaraang taon ay nakatanggap din ang kanyang inang mensahe sa text na nagbabanta ng pasasabugin ang ulo nito kasama ng iba pa. Pinagbibintangan siyang miyembrong New People’s Army.

Kinondena ng grupong Hustisya ang pamamaslang kay Bermas at Oreza.

Nanawagan din ang grupo para sa patuloy na paglaban para sa katarungan sa mga biktima ng paglabag sa karapatan ng mamamayan.

“Kailangan ding itaas natin sa red alert sa administrasyong Aquino sa patuloy nitong mga paglabag sa karapatang pantao. Huwag nating payagan bahain ng Oplan Bayanihan ng gobyernong Aquino ang dugo ng panunupil,” ayon kay Cristina Guevarra, pangkalahatang kalihim ng Hustisya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply