Punong kinatawan ng Cambodia sa Pinas binaklas na

KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs na inalis na ng pamahalaang Cambodia ang punong kinatawan nito sa Pilipinas

Ayon kay DFA Spokesman Raul Hernandez, ipinaalam ng Cambodian foreign ministry na pinabalik na sa kanilang bansa si Cambodian Ambassador to the Philippines Hos Sereythonh.

Gayunpaman, hindi naman binanggit ang dahilan kung bakit ni-recall si Sereythonh, bagama’t lumutang na ang ibinigay nitong pahayag laban sa Pilipinas sa pinagtatalunang West Philippine Sea ang dahilan kung bakit pinaalis ng Pilipinas ang ambassador.

Umaasa rin si Hernandez na magiging ‘kaibigan’ ng Pilipinas ang ipapalit kay Sereythonh at mapapanatili ng bagong itatalagang Cambodian envoy ang magandang relasyon ng Phnom Phenh at Maynila.

Si Sereythonh ay dalawang buwan pa lamang nanunungkulan bilang punong opisyal ng Cambodia sa Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply