‘Pusher’ na tattoo artist arestado sa Bora

DINAKIP ang isang tattoo artist na hinihinalang drug-pusher sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa videoke bar sa Sitio Angol, Barangay Manoc-manoc sa Boracay.

Kasalukuyang nakakulong ngayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP-Aklan) si RJ Besana, 33, ng Negros Occidental na nahaharap sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Hinuli si Besana makaraang makatanggap ang awtoridad ng impormasyon kaugnay nang umano’y matinding bentahan ng ipinagbabawal na gamot kung saan ang suspek ang itinuturong tulak.

Narekober sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu, marked money at iba pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply