Puwersahang paglilikas, ikinasa sa QC landslide prone area

DAHIL may banta na naman ng malakas na pagbuhos ng ulan mula sa hanging Habagat at pinalalakas ng tropical depression ‘Helen’, sinimulan na agad ng rescue teams mula sa Quezon City ang sapilitang paglilikas sa mga residenteng nasa landslide-prone areas.

Ilang mga pamilya ang inilikas na kaninang umaga  sa danger zone sa Commonwealth, Quezon City na isang landslide ang naganap at ikinamatay ng  8 miyembro ng pamilya nitong nakaraang linggo.

Dinala ang mga inilikas na pamilya  sa barangay hall para sa kanilang pansamatalang tutulyan, ayon sa ulat ni Quezon City rescue chief Noel Lansang.

Sinabi ni Lansang na inilikas nila ang mga nakatirang pamilya  may 50 metro ang layo sa landslide.

Ilan pang lugar sa Metro Manila ang hindi pa rin nakakaahon sa epekto ng malakas at walang humpay na pagulan at pagbaha sanhi ng Habagat.

Gayunman, nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)  ng mga pagulan simula mamayang gabi sanhi ng Habagat na pinaigting ng tropical depression ‘Helen.’

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply