QCPD, NCR’s best police district ulit

NAPILI na namang muli ang Quezon City Police District (QCPD) bilang National Capital Region Best Police District.

Pangungunahan ni QCPD Director Mario De La Vega at ng kanyang tauhan ang pagtanggap sa award sa isang simpleng seremonya sa Camp Crame sa Lunes .

Pinasalamatan ni De La Vega, si  Mayor Herbert M. Bautista dahil sa pagsuporta nito ay sinabi na ang prestigious award ay isang pruweba ng dedication, bravery at abilidad ng QCPD police officers sa pagtupad sa kanilang sinumpaang responsibilidad na ‘to serve and protect’ ang mga residente ng lunsod mula sa masasamang elemento at iba pang pagbabata sa peace and order ng lunsod.

Hindi na bago sa QCPD ang pagtanggap ng ganitong award dahil nakatanggap na sila ng ganitong rekognisyon ng apat na magkakasunod ng taon simula 2006 hanggang 2009 ng  National Capital Region Police Office (NCRPO).

Naagaw lamang sa kanila ang grand slam title sa parehong kategorya kung hindi nanalo ang Eastern Police District (EPD) noong 2010.

Ang Best Police District award ay base sa criteria ng  district’s performance evaluation para sa first two quarters ng taon, written test ng NCRPO Skills Olympics at ang  district implementation ng special projects at programs.

Nangako naman si De La Vega, na isang awardee para sa Best Senior Commissioned Officer for Administration noong 2007, na kanyang pananatilihin ang honor ng QCPD sa pamamagitan ng pagkakasa pa ng mga seminars, trainings at capacity building para sa district’s uniformed personnel.

“I want this prestigious honor of being Best Police District continuously awarded to QCPD for many years….that will eventually grant the district the grand slam title. I hope that the next QCPD leaders will do their best to remain steadfast in making the district the best among the rest,” pahayag pa nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply