QCPD-PS-7 binatikos ng media

BINATIKOS ng Quezon City Police District Press Corps (QCPD-PC) ang pamunuan ng Police station 7 ng Quezon City Police District dahil sa pagiging pipi’t bingi sa umano’y hindi pagtugon ng hepe at mga tauhan nito sa mga mamamahayag sa larangan ng pagbibigay ng balita.

Ang ginawang  pagtatago  ni QCPD- PS-7 Commander Supt.  Ramon Pranada ay malinaw na sinuway nito ang kanyang hepe na si QCPD Director Chief Supt. Marion Dela Vega, na nagsisikap para mapalapit sa mga mamamahayag para sana maipakita ang kanilang mga naging ac-complishment .

Ang nakapagtataka lang ay kung bakit ayaw humarap o makipag- usap man lang nitong si Col. Pranada  sa mga mamamahayag na gustong kumausap sa kanya partikular na kapag may nangyayaring insidente sa kanyang nasasakupan.

Bukod dito ay hindi rin daw tumutugon itong si Pranada sa mga rek-lamo ng maraming commuter sa laganap na illegal vending at prostitusyon sa palibot ng kanyang nasasakupan partikular sa footbridge at  pick-up girls sa loob at labas ng Araneta riyan sa Cubao.

Dumarami rin umano ang mga holdaper at mga snatcher sa nasabing lugar na ang pangunahing biktima ay mga commuter tulad ng estudyante, call center agent at iba pa.
Ayon sa mga mamamahayag, kapag tinatawagan umano nila itong si Pranada sa cellphone ay hindi nito sinasagot at kapag sa landline naman, tunog ng fax machine ang sasagot sa iyo. Grabe talaga itong  si Col. Pranada. Dahil sa kawalang aksyon ng  QCPD PS-7, naniniwala ang mga mamamahayag na dahil sa mga iligal na nagkalat sa kanyang nasasakupan ay  ipinalalagay na may basbas ito ng nasabing himpilan kapalit ang ilang baryang proteksyon.

QCPD Director Mario Dela Vega, sir,  nananawagan ang mga mama-mahayag, partikular na ang mga naka-beat sa Quezon City na sana ay  mabigyan ninyo ng aksyon ang problemang ito sa pagitan ng mga mamamahayag at ng mga tauhan ng nasabing presinto partikular na ang kanilang hepeng si Col. Pranada.

Sana  ay magawan agad ito ng solusyon ni Gen. Dela Vega para  hindi na lumaki ang hidwaan ng mga mamamahayag at mga tauhan ng QCPD-PS-7. Bakit nga ba hindi pa nasisibak itong si Pranada bilang station commander diyan sa Cubao gayung overstaying na ito.

Ang mga ganitong opisyal ay hindi dapat inilalagay na commander ng isang Police Station dahil ang isang hepe ng presinto ay dapat palaging nakikita hindi yung nagtatago sa loob ng kanyang airconditoned na opisina.

Ang dapat dito kay Pranada ay ilagay at itago sa kampo para wala siyang kailangang harapin na tao o mamamahayag na gustong-gusto siyang makausap.

Gen. Dela Vega, sir, maganda ang inyong adhikain na mapalapit sa mga mamamahayag ngunit papano kayo mapapalapit sa mga reporter at photographer kung ganito naman ang opisyal niyo?

Nakikiusap at nananawagan ang mga mamamahayag sa inyo, Gen. Dela Vega, na sibakin nio sa  PS-7 si Pranada at itago na lang sa Kampo Karingal, total naman maraming nakatenggang opisyal diyan sa Kampo na  mas magaling at maayos na opisyal kaysa kay Col. Pranada.

Bukas po ang Lily’s files Column natin para sa inyong mga reklamo , suggestions at kumento , mag text lang po sa  0915-5683000 at 0908-7230036 o kaya ay mag email lang sa …  lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply