Rafael Rosell at Lauren Young parehong hindi kawalan ng ABS-CBN

MABUTI na lang at sa GMA 7 nag-decide na lumipat itong sina Rafael Rosell at Lauren Young na sister ng Kapamilya star pa rin na si Megan Young.

Kung nagkataong sa TV5 sila dinala ng kanilang mga manager, malamang ngayon pa lang, pinaglalamayan na ang kanilang career.

Except for our nanay-nanayan sa showbiz na si Sharon Cuneta, Aga Muhlach, Bossing Vic Sotto, tito Joey de Leon, Wally Bayola at Jose Manalo, lahatin mo na silang lumipat sa TV network ni Mr. Manny Pangilinan, lahat sila ay isa-isang nagsitigbakan!

At kung kawalan ba naman sa ABS-CBN sina Rafael at Lauren, ang sagot riyan ay big no! Why? kasi naman ilang beses ng binigyan ng break si Lauren pinagbida pa sa re-make ng Mula sa Puso ni Claudine Barretto pero sad to say, sumemplang ito sa ratings.

Si Rosell naman, naging pabaya na sa kanyang sarili at nagiging dugyot tingnan.

Sino ang gaganahan na bigyan ng project ang actor kung mismong sarili niya ay hindi inaayos?

Minsan lang naming nakita si Rafael sa presscon noon ng indie movie nila ng sexy star na si Lara Morena at napaka-untidy ng look nito kaya turn-off kami sa kanya ni my BFFT Pete A.

Well, sana magmilagro ang career nila ni Lauren sa Kapuso network. Sana lang

gyud!

***

Kahit sa GenSan No.1  Ang Be Careful With My Heart

KAUSAP ko recently lang ang aking mga sisters sa GenSan na may kanya-kanya ng outlet ng cellphone sa dalawang malalaking mall sa lugar na aming kinalakhan.

Aba! Masayang ibinalita ng mga kapatid kong ito na naa-adict na raw sila sa panonood araw-araw ng kilig serye sa ABS-CBN 2 na Be Careful With My Heart. Wala raw paki ang lahat ng mga kapwa nila negosyante dahil pagtuntong ng timeslot ng nasabing serye nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap aka Papa Chen, talagang nakatutok ang TV set nilang lahat sa soap ng ABS CBN.

‘Yung iba para hindi nila ma-miss ang bawat episode ay talagang sa kanilang cellphone o mini TV na nagwa-watch.

Kita nyo, kahit sa mga probinsiya ng Mindanao ay sinakop na rin ng Be Careful with my Heart mania. At for the very first time ay ginawang hari ng naturang teleserye ang ABS-CBN 2 sa Daytime.

At sa ngayon ay pang 15 na ito sa Top over all programs sa buong bansa. Ano ba ang sikreto at patuloy sa pananagumpay ang Be Careful with My Heart?

Well, pampamilya kasi ang kuwento nito lalo na sa mga broken family na pwede pa palang maging masaya ang buhay kapiling ng inyong mga anak lalo na kapag nakatagpo kayo ng yayang kasing bait, masipag at understanding tulad ni Maya na ginagampanan nga ni Jodi.

At swak na swak ang buong cast sa kanilang bawat character. Specially Abby(Mutya) na youngest daughter ni Sir Ricardo na alaga ni Maya.

Mata-touch ka sa batang ito na kahit hindi nakapagsasalita, dahil sa gabay at pagtuturo ni Maya sa kanya ay unti-unti ng nagiging normal ang buhay at nakakapag-aral na.

May kurot sa puso ang mga eksena nila ngayon ng kanyang daddy Ricardo. At aminin na rin natin na malakas ang dating at hatak ni Papa Chen sa mga girls at gays audience kaya naman araw-araw ay mataas ang rating ng show nila.

Mapanonood ang nasabing kilig-serye from Mondays to Fridays at 10:45 AM to 11:30 AM over Kapamilya network. Very heartwarming gyud!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply