Rain or Shine vs B-Meg; uulan na kaya?

KAHIT nasalto ng dalawang beses ang Rain or Shine ay kalmado pa rin si coach Yeng Guiao at naniniwalang bubuhos ang ulan para sa kanila upang sikwatin ang kauna-unahang titulo mula ng sumali ang Elasto Painters sa liga anim na taon ng nakararaan.

“Na-delay lang.” ani Guiao na inamin na may problema sila sa taas ng mga kalaban kaya kailangan nilang magpractice at gumawa ng adjustments.

Pihadong magiging mainit ang labanan ng RoS at B-Meg Llamados upang maging hari sa nagaganap na 2012 PBA Governors’ Cup Game 7 Finals sa Araneta Coliseum ngayong gabi.

Nakauna sa best-of-seven ang Elasto Painters ng ipinta ang 3-1 subalit nakapuwersa ng death match ang Llamados ng sikwatin ang Games 5 at 6.

Sa game 6 ay naging pisikal ang laban kaya nagkainitan ang dalawang koponan sanhi upang magpalitan ng maaanghang na salita sa pagitan ni Guiao at team manager Alvin Patrimonio.

Muntik na rin mag pang-abot sina Beau Belga at Patrimonio habang naglalakad asa hallway ng Big Dome pagkatapos ng laro.

Samantala, tanging ang Brgy. Ginebra ang nakaahon mula sa 1-3 ng talunin nila ang Shell may dalawang dekada na ang nakararaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply