Rainfall warning signal sa MM inalis na ng PAGASA

TINANGGAL na ngayon ng PAGASA ang color coded warning o rainfall warning signal na ipinaiiral sa Metro Manila kaninang umaga.

Ayon sa PAGASA, kahit marami pang lugar sa Kalakhang Maynila ang lubog sa baha ay inalis na ang rainfall warning signal dahil wala na silang natukoy na pagbuhos ng ulan sa nakalipas na dalawang oras.

Gayunman, asahan pa rin ang light to moderate na pag-ulan sa ilang mga lugar sa pagsapit ng hapon at gabi.

Sinabi pa ng PAGASA na gaganda na ang lagay ng panahon sa Metro Manila sa mga susunod na araw dahil wala ng namataang makapal na kaulapang papalapit sa naturang lugar.

Nakatakdang magpalabas ng anunsyo ang PAGASA ngayong hapon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply