Raymart, Claudine iaapela ang QC court ruling sa amparo plea

IAAKYAT ng celebrity couple Raymart Santiago at Claudine Barretto ang kanilang kaso sa Korte Supreme (KS) matapos ibasura ng Quezon City court ang kanilang petisyon para sa writ of amparo laban sa Tulfo brothers.

Sinabi ng abugado ng mag-asawa na si lawyer, Alex Avisado, na magsasampa sila ng isang motion for reconsideration sa SC.

Sa isang kautusan petsa Agusto 6, dinismis ni Judge Maria Filomena Singh ng QC Regional Trial Court Branch 219, ang naturang petisyon at nilusaw ang temporary protective order na ipinalabas noong Mayo 24, ni Judge Bayani Vargas, na nagretiro noong Hulyo.

Sinabi ni Singh na ang regulasyon para sa writ of amparo ay para lamang sa extrajudicial killings at enforced disappearances.

Gayunman, depensa naman ni Avisado na ang writ of amparo ay isang legal remedy para maprotektahan ang mga indibidwal  na nangangamba sa kanilang buhay.

Kinatigan naman ng korte ang ipinupunto ng abugado ni broadcaster Erwin Tulfo na si lawyer Nelson Borja, na sakop lamang ng  writ of amparo ang mga kaso ng extrajudicial killings at enforced disappearances.

Isinampa ng mag-asawang Santiago ang naturang petisyon matapos pagbantaan sila nina Raffy, Ben and Erwin Tulfo sa kanilang television program “T3” sa TV5 kasunod ng naganap na gulpihan sa Ninoy Aquino International Airport( NAIA ) sa pagitan nina Raymart at Caludine laban sa kuya ng tatlo na si columnist Mon Tulfo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply