Re-taking ng channel 4 pinangunahan ni Lim

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng re-taking ng Channel 4 na nag-ugnay sa tangkang pagpapabagsak sa administrasyong Aquino.

Naging highlight ng selebrasyon ang wreath-laying ceremonies at ceremonial ribbon  cutting para sa  photo exhibit sa  historic event sa  Manila Police District Headquarters.

“These pictures on exhibit speak for what transpired 25 years ago. It should be permanently installed here at the Manila Police District to show that you are proud members of Manila’s Finest, the Manila Police District,”

Sinabi ni  Lim na siya ay dating  chief ng Western Police District (WPD) nang isagawa ang ikaanim na pagtatangka na pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong  Cory Aquino noong Agosto  28, 1987 ng mga rebeldeng sundalong “Reform the Armed Forces Movement” (RAM).

Ang ikaanim na coup attempt ang pinakaseryosong pagtatangka para agawin ang kapangyarihan kay dating Pangulong Aquino.

“Iyan ang palagi kong sinasabi sa inyo, lagi niyong sariwain sa alaala ninyo ang sinumpaan ninyong tungkulin, and you will be guided accordingly,” ayon kay Lim.

Ayon pa sa alkalde, kapad dumating ang kritikal na sandali dapat na nakahanda ang MPD.

Sinabi pa ng alkalde na  sana ito ay magsilbing aral sa mga bagong pulis na ang panunungkulan ng isang malinis, tapat at wagas ng pagmamahal ay gagantimpalaan din, kaya hindi sila dapat na matukso sa maliit na halaga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply