Red Lions naglalaway sa Blazers

TSANSA ng defending champion San Beda College Red Lions na makalayo ng bahagya sa team standings dahil makakalaban nila bukas ng gabi ang mahinang College of Saint Benilde Blazers sa nagaganap na 88th NCAA seniors basketball competition sa San Juan Arena.

Nagsosolo sa top spot ang Red Lions na may walong panalo sa 10 laro habang nakadikit sa second spot ang last year’s runner-up San Sebastian College Stags hawak ang 8-3 win-loss card.

Galing sa dalawang sunod na panalo ang Mendiola-based squad San Beda habang namimighati ang Blazers mula sa tatlong sunod na kabiguan.

Sa unang paghaharap ng SBC at CSB ay nanaig ang una, 59-53.

Pambungad na laro naman ang Arellano U Chiefs at ang sumilat sa Stags na Emilio Aguinaldo College Generals.

Nakabangon naman ang SSC mula sa masaklap na pagkatalo sa Generals ng malusutan nila ang magandang nilaro ng Lyceum of the Philippines Pirates, 83-75 kahapon.

Dinala ni Calvin Abueva ang Stags subalit na eject ito sa third canto ng labanan ng kotongan nito si Pirates guard Vence Laude.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply