Red warning alert hanggang mamayang hapon

HANGGANG mamaya pa ang itinaas na red warning alert ng Pagasa forecasting center sa Metro Manila at sa mga karatig na lalawigan dala nang walang humpay na pag-ulan.

Katumbas ng red warning alert ang pagtaas sa 30 mm ang antas ng tubig na babagsak kada oras na posibleng magdulot ng baha o higit sa karaniwang level ng tubig sa mga partikular na lugar.

Nananatili naman ang gale warning sa western seaboard ng bansa.

Kinumpirma naman ng Pagasa na walang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) at ito ay dulot lamang ng hanging habagat na sinabayan ng malakas na pag-ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply