Reklamo sa Fil-Korean dumarami

TILA dumarami ang mga Koreano na naghain ng reklamo laban sa isang dating Filipina na naging Koreana na si Jasmin Lee ( Jasmin Villanueva Bacurnay noong siya’y Filipina pa) dahil sa pagkakaluklok niya bilang mambabatas sa South Korea.

Noong Agosto 14, taong kasalukuyan, isa pang Koreano na nagngangalang Kim In Soo, naninirahan sa Pilipinas ang naghain ng isa pang kasong “fraud” laban kay Lee sa National Bureau of Investigation dahil sa umano’y pagpapakilala nito na ang kanyang pamilya ay may supermarket sa Panabo, Davao del Norte noong nakatira pa ito roon sa mga unang taon ng 1990.

Napag-alaman sa isinumiteng pagpapatotoo ng lokal na pamahalaang lungsod ng Panabo, walang ibinigay na business permit o location ng clearance ang pamahalaang lungsod kaninuman kay Jasmine  o sa ama nitong si Jeremias Bacurnay at inang si Loida Villanueva para sa pagpapatayo at pagpapatakbo ng supermarket o kahit man lang grocery store.

Wala ring ganoong lisensya ang naisyu ng pamahlaan para sa “Seaman’s House,” isang beer house at mini-disco na siyang sinasabing naging negosyo ng ama ni Jasmine sa mga huling taon ng 1980 hanggang 1996.

Ang “Seaman’s House” ay lumilitaw na isa sa mga ipinasara ng pamahalaang Lungsod ng Panabo noong 1996 dahil ito’y nakatayo sa lupang pag-aari umano ng pamahalaang lungsod na pinatotohanan ni Barangay San Pedro Chairman Dionisio Repuela Sr.

Ang mga pagpapatotoo na nakalap ni Kim ang isa sa mga pinagbatayan niya para ipakita na ang ginawang panlilinlang ni Jasmine Lee noong siya ay kandidata pa lng.

Hindi kasi matanggap ni Kim bilang isang mamamayan ng Korea na kasama siyang nagbabayad ng malaking suweldo ni Jasmine Lee na kinukuha sa mga ibinabayad na buwis ng mga Koreano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply