Relasyon ng aktres at aktor hanggang inuman at churvahan lang

KUNG saan-saan nakikita ang magsiyotang aktor at aktres. Minsan naiispatan sila sa mga bar sa Makati, Global city at Pasig
habang umiinom. Masayang-masaya sila. Tila sa kanila lang umiikot ang mundo.

Komento ng mga nakakakita sa kanila, hindi raw seryoso ang kanilang relasyon. Ini-enjoy lamang nila ang kanilang company.
Pareho kasi nila hilig ang uminom at chumurva kaya sila nagkasundo. Hindi rin sila magkalayo ng edad. Samantalang iyong naunang boyfriend ng aktres ay parang tatay na niya, at yung naging girlfriend ng aktor ay hitsurang bunsong kapatid lamang nito. So, bagay nga sila.

***

Mga mata ni Elmo may sariling mundo

SOBRANG dami ng tao ang dumagsa sa Cinema 9 ng SM Megamall ilang araw ang nakalipas dahil sa premiere night ng pelikulang “Just One Summer” ng GMA Films na pinagbibidahan naman ng magka-loveteam na sina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona.

Masayang-masaya ang mga nanood dahil maliban sa maganda na ang movie, sa bawat upuan pa ay may nakalagay na 20 pieces na malalaking may name na brand ng tootpaste.

At habang sinusulat namin ito ay ipalalabas na ang nasabing pelikula (August 15). Bagama’t kabado sina Julie Anne at Elmo sa opening ng kanilang first movie dahil sa bagyong Helen ay kampante silang hindi sila pababayaan ng kanilang mga fans.

Anyway, kumpletos-reckados ang movie na ‘to dahil sa maromantikong mga eksena ng dalawang bida at ang kanilang mga problema sa kani-kanilang pamilya.

Marami ang humanga sa acting ni Julie Anne. Magaling siyang mag-emote at madaling mailabas ang luha. Okey din naman si Elmo, kaya lang ang puna ng ilan, may sariling mundo raw ang mga mata ng binata. Pag-aralan sana nitong maki-cooperate ang kanyang dalawang mata sa kanyang facial reaction. Sobra kasi itong mapungay at hanggang doon na lang ito nakapirmi. Kahit masaya ang eksena, malamlam pa rin ang kanyang eyes.

Bueno, sa kabuuan naman ay bawing-bawi ang manonood sa Just One Summer na dinerehe ni Mac Alejandre. Hindi kayo magsisisi at malulugi dahil malilibang kayo sa proyektong ito.

***

MMC nalagay sa alanganin dahil sa talumpati ni Sen. Sotto

DAPAT ipaliwanag mabuti ng Makati Medical Center ang kanilang panig dahil sa pagkakabanggit sa kanila ni Sen. Tito Sotto na ayon umano sa kanila, mahina ang puso at tuluyang namatay ang unang anak na lalaki ng senador dahil sa paggamit ng contraceptives ni Helen Gamboa.

Ipinapayo ng mga doktor na gumamit ng pills kung ‘di pa handang magbuntis ang isang babae. Pero lumamalabas na hindi pala ito epektibo at nauuwi pa ito sa kamatayan sa bagong silang na sanggol na nabuo sa kabila ng paggamit ng ina ng contraceptives.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.  

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply