Relief assistance sa pamilya ng mga OFW na binaha, ipinag-utos ng DOLE

INATASAN ng Department of Labor and Employment (DOLE)  ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang bigyan ng ayuda ang pamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na sinalanta ng binaha.

Batay sa kautusan  ni Labor secretary Rosalinda Baldoz, inatasan niya ang mga OWWA regional directors sa mga sinalanta ng baha para magsagawa ng emergency relief assistance at medical mission sa mga pamilya ng mga OFW.

Ayon sa report ng Migrante international, aabot sa 200,000 na pamilya ng mga OFW sa Metro Manila at karatig lalawigan ang naapektuhan ng pagbaha bunsod ng haging habat.

Sinabi pa ng Migrante international na dating mayroong economic assistance ang OWWA sa tuwing may kalamidad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply