Relief goods di kukulangin- DSWD

TINIYAK ni DSWD Secretary Dinky Soliman na tuloy-tuloy ang kanilang pagtulong sa mga apektado ng baha sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Ayon kay Soliman, nakapagpalabas na sila ng kabuuang 18,500 food packs sa mga apektadong residente sa Metro Manila, Cavite at Rizal.

Siniguro rin ni Soliman na sapat ang supply ng relief goods para sa mga apektado ng pagbaha. Aniya, may 250 katao ang nagri-repack sa kanilang command center sa Philippine Airforce.

Agad namang inaksiyunan ni Soliman ang panawagan na magpadala ng tulong sa E. Delos Santos hospital dahil iisa na lamang ang incubator na gumagana para sa mga sanggol doon gayundin ng pagkain para sa mga na-estranded na pasyente at mga health workers.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply