Relokasyon aabutin ng 5 taon – Robredo

LIMANG TAON ang hinihinging panahon ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo upang tuluyang maalis ang mga iskwater sa mga estero at daluyan ng tubig sa Metro Manila.

Sa tulong ng mga barangay at lokal na pamahalaan, nagsimula na ang imbentaryo ng mga iskuwater at mga relokasyon nito.

Humiling din ang ahensya ng P10 bilyon sa Malakanyang para sa relokasyon ng mga naninirahan sa mga estero.

Sa datos ng MMDA, sinabi ni Robredo na may 102,406 pamilya sa mga mapanganib na lugar, habang sa survey ng DILG NCR noong Hunyo, ang mga pamilya na nasa ibabaw ng mga estero at waterways ay umaabot sa 6,655 at yaong mga nasa gilid ay 47,002, na may kabuuang bilang na 53,657.

Dagdag pa ni Robredo, mayroon ng relokasyon para sa mga iskuwater mula sa Pasay at Ouezon City.

Sinisimulan na aniya ng National Housing Authority ang proyekto kung saan sa huling ulat ay may 9,000 unit na ang natapos para sa mga iskuwater sa mga danger zones sa Metro Manila.

Ang budget umano ng DILG ayon kay Robredo ay para sa 20,000 pamilya bawat taon kaya’t ang relokasyon ay aabutin ng limang taon.

Ayon pa kay Robredo, binigyan ng responsabilidad ang mga opisyal ng mga barangay para siguruhin na ‘di na babalik ang mga iskuwater sa mga danger zones na lilinisin ng pamahalaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply