Relokasyon simula na ngayong linggo – DPWH

SISIMULAN na ang relokasyon ng mga maaapektuhan ng Major Flood Control Masterplan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong linggo.

Nabatid na aabot sa 735,000 indibiduwal ang maaapektuhan ng demolisyon sa ilalim ng naturang proyekto.

Ililipat ang mga apektadong residente sa Medium Rise Condominium Housing Projects ng pamahalaan para muling mabuksan ang mga lagusan ng tubig.

Kasama sa mga unang ililipat ay ang mga residente mula sa Litex, Manggahan sa Pasig, Navotas, Happy Land, Isla Puting Bato, Nagtahan, Malabon at San Juan.

Ililipat ang mga apektadong residente sa nakahanda nang pabahay sa Towerville 6 sa San Jose Del Monte, Bulacan at Southville Phase 3 at 4 sa Tanay, Rizal.Rizal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply