Rep. Sonny Escudero III, pumanaw na

PUMANAW kaninang madaling araw si Sorsogon Rep. Salvador “Sonny” Escudero III, ama ni Senador Chiz Escudero.

Ayon sa senador, binawian ng buhay ang kanyang ama ganap na 3:30 kaninang umaga. Hindi na umano ito nagising sa pagkakatulog at tuluyan nang namahinga.

Ayon sa batang Escudero, mahigit dalawang taon umanong nakibaka ang kanyang ama laban sa sakit na cancer.

Ang mga labi ng kongresista ay masisilayan sa Mt. Carmel Church sa Broadway corner 5th street, New Manila, Quezon City simula alas-3:00 mamayang hapon.

Si Sonny Escudero ay pumanaw sa edad na 69.

Siya ay ipinanganak noong December 18, 1942.

Nagtapos ng Veterinary Medicine sa University of the Philippines Los Baños noong 1963 at kumuha rin ng Tropical Veterinary Medicine sa University of Queensland, Australia 1968.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply