Reporter nabiktima ng Bukas Kotse gang

DAHIL sa kawalan ng seguridad, isang radio reporter ang nabiktima ng bukas kotse gang kahapon ng hapon sa Las Pinas City.

Laking panlulumo ng biktima na kinilalang si Jojo Sicat, reporter ng DZRJ, nasa hustong gulang at naninirahan sa Bacoor, Cavite.

Batay sa pahayag ni Sicat nagtungo siya sa Las Piñas Satelite District Hospital upang ilabas ang kanyang misis na si Abigail Sicat dakong 11:00 ng umaga.

Dahil sa malaki ang pagtitiwala sa seguridad sa Las Piñas PNP, ipinarada ni Sicat ang kanyang sasakyang Mitsuhi Delica na may plakang RBW 663 sa tapat ng dating gusali ng dating Sarao sa Pulang Lupa, Las Piñas City.

Nang balikan ang sasakyan kasama ang kanyang maybahay dakong 4:00 ng hapon, laking gulat ng biktima na nakabukas na ang kanyang sasakyan at sinimot ang lahat ng kanyan personal na kagamitan.

Nanawagan si Sicat sa pamunuan ng Las Piñas Police na paigtingin ang seguridad sa naturang lugar upang mabawasan ang insidente ng nakawan na pinangungunahan ng sindikato na bukas kotse gang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply