Resbak ni Sotto sa pro-RH Bill kasado na

TULOY na tuloy na ngayong linggo ang mga banat ni Senador Vicente Sotto laban sa mga sumusuporta sa kontrobersiyal na reproductive health bill (RH).

Ayon sa senador, tuloy na sa Miyerkules ang kanyang privilege speech kung saan sasagutin niya ang mga atake sa kanya na kinopya lang niya umano ang turno en ontra o talumpati laban sa RH bill sa American blogger na si Sarah Pope.

Nagpatudsada pa si Sotto na rito niya patutunayan na bagaman hindi siya katalino ng magagaling ay walang karapatan ang mga ito na magdunong-dunungan.

Sa Miyerkules, ipagpapatuoy din ni Sotto ang ikatlo at ikaapat na bahagi ng kanyang turno en contra laban sa RH bill.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply