Rescue operations ng PCG tuloy sa binahang lugar sa MM

KALIWA’T kanan ngayon ang isinasagawang rescue operations ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga binahang lugar sa kalakahang Maynila dahil sa walang humpay na pag-uulan.

Ayon kay LtCmdr Armand Balilo, ang tagapag-salita ng PCG, limang rescue teams ang kanilang idineploy sa Roxas District at Tatalon area sa lungsod ng Quezon na kung saan nananatiling mataas ang tubig baha.

Sinabi pa ni Balilo na ang ilan nilang tauhan ay tumutulong na rin sa lokal na pamahalaan gamit ang kanilang mga rubber boats upang ilikas ang mga residente sa mga apektadong lugar ng pagbaha.

Ani Balilo, katuwang ng kanilang rescue teams ay ang kanilang medical teams na sya namang nagbibigay ng gamot sa mga residente na nakakaranas ng karamdaman , ganundin ang pagbibigay ng first aid o paunang lunas

Paalala naman ng PCG sa publiko na huwag ng umalis ng bahay lalo na kung wala namang importanteng lakad at magsilikas na ang mga residente na nakakaranas ng malawakang pagbaha upang maiwasan ang anumang aksidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply