Rescuer utas sa rescue drill sa Koronadal

AGAD namatay ang isang rescuer habang sugatan naman ang isa pa habang nagsasagawa ng rescue drill kaninang tanghali sa city hall building ng Koronadal City.

Kinilala ang namatay na si FO2 Elwin Capalla, habang sugatan ang volunteer na si Carlos Espartero.

Nabatid na nasa ika-apat na araw na ang mga biktima sa kanilang fire operation drill sa city hall building nang maganap ang insidente makaraang matanggal ang hook na nakakabit sa lubid na kanilang hinahawakan.

Unang nahulog si Capalla mula sa ikatlong palapag ng gusali na sinundan naman ni Espartero.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply