Rescuers ni Robredo, sumilip sa burol

SUMILIP rin para magbigay ng kanilang huling pagpugay ang mga tauhan ng Armed Forces Philippines (AFP) lalo na ang mga rescuer mula sa Philippine Navy na nanguna sa puspusang  search and rescue operations kay DILG Sec. Jesse Robredo sa burol ng kalihim sa Kalayaan Hall sa Malacañang kaninang umaga.

Ang nasabing mga rescuer na siyang umahon sa bangkay ni Robredo sa ilalim ng karagatan sa Masbate ay nakasuot ng full uniform na kulay puti.

Pinangunahan ni Major General Eduardo del Rosario ang grupo na kasama sina Rommel Galang, commander ng Naval Forces Southern Luzon; Lt. Commander Ariz Camino at dalawang divers na sina Petty Officers Roger Brizuela at Edgar Vergara.

Napag-alaman na sina Brizuela at Vergara ay nagkasa pa ng “underwater salute nang matagpuan ang bangkay ni Robredo bago kinuha ang labi ng dating kalihim mula sa passenger seat  ng bumagsak na Piper Seneca plane noong nakaraang Agosto 18.

Una nang sinabi ng dalawa na nang makita nila ang labi ng kalihim sa lalim na 59.5 meters ay mistulang nakaupo ang posisyon nito, nakakuyom ang dalawang palad, hindi nakakabit ang seatbelt at nakalutang sa loob ng fuselage ng eroplano.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply