Residential area sa Pasay City nasunog

NASUNOG ang isang residential area sa may hangganan ng Tramo Pasay City at Brgy. San Isidro sa Makati City.

Nabatid na nagsimula ang sunog bandang alas-10:00 ng umaga na mabilis na kumalat ang apoy dahil sa dikit-dikit ang mga bahay ng mga illegal settler.

Patuloy na lumaki ang apoy makaraang sunud-sunod namang narinig ang pagsabog ng mga liquefied petroleum gas (LPG).

Kaagad na rumesponde ang mga firefighter at fire volunteers upang apulain ang sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang dahilan ng sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply