Respeto hiniling ng mga pro-RH sa Simbahan

SINOPLA ng liderato ng Kamara ang ilang lider ng Simbahan na nangutya sa mga mambabatas na sumusuporta sa kontrobersyal na Reproductive Health bill.

Kasabay nito, nanawagan si House Majority Leader Neptali Gonzales II sa mga lider ng simbahan na igalang naman ang mga kongresista sa kanilang pananaw na suportahan ang RH bill katulad ng kanilang paggalang sa lahat ng tutol dito.

“Alam dapat irespeto ang pananaw ng lahat dito eh, kasama na ang pagtutol ng simbahan.  We leave it at that. Kanya-kanyang pananaw ito.  Ang aking pag-asa lamang sana ay respetuhin din ang posisyon ng mga pro-RH. ‘Wag idaan ito sa takutan ba,’ giit pa ni Gonzales.

Huwag din, aniyang, haluan ng politika ang gagawing botohan sa Martes para sa RH bill.

“Parang nahahaluan ng politika. Parang kinukumbinsi mo ang mga congressman na mag-anti-RH ka, kung hindi ka pumabor sa amin, rip ka na, patay ka na. Those should not come from responsible religious leaders. May ibang relihiyon din na may sariling posisyon sa RH bill. Kanya-kanyang pananaw ito, pero hindi sila nanananakot.”

Banggit pa ng kongresista na tuloy ang botohan sa Martes kung isusulong o tuluyan ng papatayin ang panukala.

“Ang botohan ay matutuloy sa Tuesday, unless pigilin ng anti-RH congs. Sabi nila, may 140 na kami or enough vote sa Tuesday. Then let’s just vote on it. Kung matalo ang termination ng debate, then let it be killed sa Tuesday. Pero hindi pwedeng tuloy-tuloy pa ang debate samantalang napakahaba na nito. Kailangan na namin magbotohan whether to terminate o hindi ang debate para lang magkaroon na kami ng direksiyon.”

Makabubuti rin, ayon kay Gonzales, na gumalaw ang mga kongresista habang hindi pa gaanong abala para sa paghimay sa 2013 proposed national budget.

“Ako naman, gusto ko na gawin na ito habang nasa committee pa ang budget. “

Samantala, nanindigan ang Makabayan Bloc sa Kamara na tuloy ang kanilang pagsuporta sa RH bill.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply