Resto sa Basilan pinasabog

NAWASAK ang isang restaurant makaraang mang-iwan ng isang bomba ang riding-in-tandem sa mismong main entrance nito sa Valderosa Street  sa Isabela, Basilan kagabi, Agosto 13.

Nabatid na bandang alas-7:45 kagabi nang pasabugan ng improvised explosive device (IED) ang  JJ Twins Food Center ngunit wala namang nasaktan sa naturang pagsabog dahil malayo sa main entrance ang mga costumer.

Ayon sa pulisya, sumabog ang IED 10 minuto makaraang iwanan umano ng dalawang hindi nakilalang suspek sakay ng kulay itim na motorsiklo.

Narekober sa pinangyarihan ang mga  parte ng IED  na ilang piraso ng cellphone, metal pellets, 1-inch concrete nails at iba pa.

Kasalukuyan pa ring inaalam ng pulisya ang motibo ng pagpapasabog at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply