Retiradong pulis, timbog sa droga

MINALAS ang isang retiradong pulis matapos masakote ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buybust operation sa South Cotabato.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr. ang nahuli na si Lito F. Nalugon, 48 anyos ng Yunco Subdivision, Barangay Poblacion, Polomolok, South Cotabato.

Nalambat si Nalugon sa isinagawang operasyon sa kanyang lugar ng mga tauhan ng PDEA RO12 sa pangunguna ni Director Aileen Lovitos.

Nakuha sa pag-iingat ni Nalugon ang karagdagang 20 gramo ng shabu, pinatuyong dahon ng marijuana at buto nito , mga drug paraphernalias, isang magnum .22 revolver na may anim na bala, apat na piraso ng bala ng armalite at 3 piraso para sa kalibre.45 baril at isang Granada .

Lumitaw sa imbestigasyon na si Nalugon ang itinuturong lider ng Poland drug group na matagal ng tinutugis ng pulisya .

Napag-alaman din na si Nalugon ay kakaretiro lamang  sa serbisyo noong Marso 2012 na may ranggong SPO2 at pang 11 sa target list ng PDEA  RO12

Si Nalugon ay nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa (Section 5), possession of dangerous drugs (Section 11) at possession of paraphernalia (Section 12), Article II, of Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002  sa  City Prosecution Office.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply