Retiradong sundalo, pulis, sasanayin ng DA sa pagsasaka

NAGPANUKALA si Department of Agriculture (DA) Regional Executive Director Dr. Lucrecio Alviar na magbigay ng scholarship ang kanilang ahensya sa mga retiradong pulis at sundalo upang makapagsanay sa pagsasaka.

Ayon kay RED Alviar, maagang nagreretiro ang mga pulis at sundalo dahil sa hazard ng kanilang trabaho at kadalasang napaglilibangan nila ay ang pagtatanim.

Aniya, matatanda na ang mga magsasaka kaya pwede nang palitan, dahil kung walang papalit sa kanila ay walang magtatanim.

Ang mga kabataan naman, aniya, ay walang hilig sa pagtatanim.

Kadalasan umanong kursong kinukuha ng mga kabataan ngayon ay may kinalaman sa computers o kaya naman ay tungkol sa pagluluto.

Kung makukuha umano ng gobyerno ang serbisyo ng mga retiradong sundalo at pulis, bukod sa matutulungan ang mga itong magkaroon ng mapaglilibangan at kabuhayan ay makatutulong pa sila sa produksyon ng pagkain.

Ani Alviar, bumuo na ang Cagayan Valey government ng multi-sectoral provincial technical committee upang masiguro ang implementasyon ng Republic Act No. 10068 o Organic Agriculture Act of 2010.

Plano ng DA na sanayin ang mga retiradong pulis at sundalo sa organic agriculture na isang napakalaking negosyo para sa bansa.

Bagaman hindi pa umano niya ito nasasabi kay DA Sec. Proceso Alcala, tiwala ito na susuportahan ng kalihim ang programa.

Matatandaang napalaki ni Alcala ang ani ng palay sa kabila ng napakaraming bagyong dumaraan sa bansa.

Plano rin ni Alcala na palakihin ang ani sa gulay.

Nangako rin si Alcala na bago bumaba sa posisyon si Pres. Benigno Simeon Aquino III ay magiging exporter ng bigas at gulay ang bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply