Retrieval ops sa 2 piloto target tapusin ngayong tanghali

TARGET ng Task Force Kalihim na tapusin ngayong tanghali ang retrieval operation sa dalawang piloto na kasama ni Interior and local Government Secretary Jesse Robredo nang bumagsak ang sinakyan nilang eroplano sa karagatang sakop ng Masbate noong Sabado.

Sa press briefing ngayong umaga sinabi ng Task Force Kalihim, na kumpiyansa silang magtatagumpay sa operasyon.

Dakong 10:30 ng umaga ay inaasahang nasa tubig na ang mga diver at sa loob ng 35 minuto ay inaasahang maikakabit at maisi-secure ang lubid sa buntot ng eroplano para maiangat o maitaas ito at makuha ang dalawang piloto na nasa cockpit ng fuselage.

Sinabi ng TF Kalihim na nagkaroon ng rehearsal kaninang umaga ang mga technical diver na binubo ng tatlo (3) Korean at tatlo (3) mula sa Philippine Navy na may kakayahang sumisid ng walang helium gas.

Ayon pa sa TF Kalahim, makakatuwang nila ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Gagamit ang retrieval team ng barko para hatakin ang eroplano at maitaas ito upang mapadali ang pagkuha sa mga bangkay.

Kailangan lamang na maingatan ng mga diver na huwag maputol ang lubid upang masiguro na mahahatak ang eroplano paitaas.

Nilinaw din ng TF Kalaihim na hindi sila sigurado kung dalawa ang bangkay na nasa eroplano ngunit sinabi na tiyak silang may katawan doon, base sa video na kuha kahapon.

Gayunman, patuloy na umaasa ang retrieval team na makukuha nila ang bangkay nina Captain Jessup Bahinting at Nepalese co-pilot Kshitiz Chand.

Nakiusap naman ang TF Kalihim sa miyembro ng media na huwag lalagpas sa cordon area para hindi makaabala sa ginagawang operasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply