Lagman: RH Bill hayaang maisabatas bago kuwestyunin

“HAYAAN ninyo munang maging ganap na batas bago kuwestyunin sa Korte Suprema.” Ito ang hamon ni Albay Rep. Edcel Lagman sa Simbahan kaugnay ng masidhing pagtutol nito na maisabatas ang kontrobersyal na Reproductive Health Bill.

“There can be no judicial scrutiny by the Supreme Court of the constitutionality of the RH Bill until it is enacted into law,” ayon pa kay Lagman.

Hamon pa ng kongresista sa mga obispo na kung determinado ang mga ito na kuwestyunin sa Korte Suprema ang constitutionality ng panukala ay hindi dapat na harangin ng mga ito ang pagsasabatas dito.

“Once the RH bill becomes a law, the RH advocates welcome any question on its constitutionality because they are certain it would surmount the test of constitutionality.”

Naniniwala si Lagman na walang nilalabag na batas ang RH bill dahil nakasaad aniya sa probisyon ng Konstitusyon ang bigyang proteksyon ang “life of the unborn from conception.”

Sinabi pa ni Lagman na ang probisyon ito ay siyang pipigil sa Kongreso at sa Supreme Court upang gawing ligal ang aborsyon sa bansa.

“This objective was expressly admitted by Commissioner Bernardo Villegas, the proponent of the provision.”

Nakapaloob pa aniya sa RH bill ang hindi pagpabor nito sa aborsyon dahil ito ay labag sa batas at hindi ito pamamaraan ng mahusay na pagpaplano ng pamilya.

Taliwas aniya sa mga black propaganda na ipinakakalat ng mga tutol sa RH Bill, ang nabanggit na panukala ay rumerespeto sa karapatan ng mag-asawa na magplano ng isang pamilya na naaayon sa kanilang pananampalataya at isinusulong ng responsible parenthood.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply