RH bill hindi solusyon sa kahirapan – Obispo

HINDI solusyon ang Reproductive Health bill na isinusulong ng mga mambabatas sa lumalalang kahirapan, karahasan sa mga kababaihan at kalusugan ng mga mamamayan, ayon sa isang Obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Sa kanyang talumpati sa mga libo-libong nagtipon-tipon sa ESDA shrine, sinabi ni  Manila Archbishop Luis Antonio “Chito” Tagle na mali ang solusyon ng mga mambabatas at mga lider ng pamahalaan kung ang kanilang hinahanap na tugon sa karahasan, kahirapan sa mga kababaihan at kalusugan ng mga mamamayan ay RH bill.

Itinuturing ni Archbishop Tagle na bakas lamang ang Reproductive Health bill o House bill 4244.

Binigyan diin ni Archbishop Tagle na walang batas na batas lamang dahil ang bawat batas ay may agenda.

Ang bawat batas ay umuukit ng kultura, lumilikha ng mentalidad, priorities at pinapayagan sa bansa.

Bunsod nito, nakikiusap ang Arsobispo sa mga mambabatas at mga nasa pamahalaan na ihayag ang kulturang Pilipino na gusto nilang ipasa sa mamamayan at sa susunod na henerasyon.

Nagtipon-tipon ang libo-libong tao kabilang ang mga debotong Katoliko sa EDSA shrine sa isang prayer power rally bilang tugon sa panawagan ng Simbahang Katolika na tutulan ang panukalang RH bill.

Isasalang na sa debate sa Agosto 7 sa Mababang Kapulungan kung ipagpapatuloy pa ang deliberasyon ng mga mambabatas sa kontrobersyal na panukala.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply