RH bill lalarga sa plenaryo ngayong hapon

INAASAHAN na ng mga nagsusulong sa kontrobersyal na Reproductive Health bill na hindi magiging madali ang gagawing period of amendments na sisimulan na ngayong hapon.

Banggit pa ni Iloilo Rep. Janet Garin, isa sa mga co-author ng RH bill na hindi lingid sa kanilang kaalaman na marami ang magtatangkang harangin ang pagsasagawa ng period of amendments sa plenaryo matapos itigil ang debate sa isyung ito.

Kabilang na dito si Paranaque Rep. Roilo Golez na nagbantang haharangin niya ang anomang pagtatangkang mapabilis ang pagtalakay sa RH bill kapalit ng mga panukalang batas na nauukol sa kalamidad.

Kasabay nito ay hinamon ni Garin ang mga nagbibigay ng negatibong pahayag sa RH bill na patunayan sa pamamagitan ng ebidensiya ang kaugnayan ng contraceptives sa mga abnormalidad ng mga sanggol at hindi sa pamamagitan lamang ng mga hinala.

Nagpaabot din ng pakikisimpatiya si Garin kay Senate Majority Leader Tito Sotto sa kanyang privilege speech kung saan inilahad nito ang tunay na dahilan ng kanyang masidhing pagtutol sa RH bill dahil sa naging karanasan ng kanyang pamilya.

Ngunit iminungkahi ni Garin na idemanda ang doktor kung nagkaroon man ng kapabayaan, sa halip na pagbuntunan ang isinusulong na RH bill ng Aquino administration.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply