RH bill magpapalago sa ekonomiya – NEDA chief

NANINDIGAN ang  National Economic Development Authority (NEDA) na makatutulong ang Reproductive Health Bill (RHB) sa pag-angat ng ekonomiya sa bansa.

Ayon kay NEDA Director-general  Arsenio Balisacan, ang mabilis na paglobo ng populasyon ang isa sa mga  dahilan kung bakit mabagal ang pag-angat ng ekonomiya.

“Clearly, yung rapid population growth constrains our ability to move to a higher, long-term growth,”  ayon kay Arsenio Balisacan sa kanyang pagdalo sa Senado para sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) .

Isinagawa ni Balisacan ang pahayag matapos usisain hinggil sa RH bill nina Ang pahayag ni Balisacan Senate President  Juan Ponce Enrile, at Sens. Panfilo Lacson, Ralph Recto at Loren Legarda sa deliberasyon ng kanilang budget para sa 2013.

Sinabi pa ni  Balisacan na may 1.98 % growth rate ang Pilipinas at ang RHB ang magiging susi para mapigilan ito habang 4% naman ang fertility rate.

Aniya, kung mahina ang growth rate, makatitiyak ng maayos na edukasyon ang mga kabataan dahil may sapat na pera ang kanilang mga magulang.

“Of course with a lower fertility rate, parents particularly poor parents would be able to provide better education, better health, better nutrition for their children… and that would make them highly productive adults when – 10 years to 15 years from now – they join the labor force,” dagdag pa nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply